|
MULA SA ISLAM TUNGO SA KRUS NG KALBARYO
Ang Patotoo ni Asif Hassan
Para sa akin ito ay ang katapusan na ng mundo. Ang tangi kong maipakita sa aking buhay ay ang maliit na selda.. Sa edad na labing lima ako ay tumingin sa taas habang nasa ilalim ng bariles. Binale wala ko ang lahat ng mahalagang bagay sa buhay ko; ang pag asa ng aking ina; ang tiwala ng aking pamilya sa akin. At ang pagkakataong magkaroon ng maganda at respetadong kinabukasan. Ang aking maling pagpili sa bawat tapos ng isa; alak, masamang ugali, maling mga kasama, krimen, gangs, lahat ng ito ay nagdulot para sirain at hadlangan ang bawat pagmamahal at respeto mula sa mga malalapit sa akin. Sinira ko ang aking reputasyon; nawala ang aking pagkakataong makumpleto ang aking edukasyon, at madalas kong maramdaman na walang dahilan para ako ay mabuhay.
Ipinanganak ako sa Muslim na tahanan. Ang aking pagka inosente bilang bata ay naapektuhan ng dalawang malaking kabiguan. Nuong ako ay limang taong gulang pa lamang naghiwalay ang aking mga magulang. Pinalaki ako ng aking ina at ng kanyang pamilya. Sa pagbisita ko sa aking ama sa kanyang tahanan; isang tiyuhin ang kinaibigan ako at inabusong seksuwal. Sa gulang na siyam, lumipat ako sa Toronto, Canada. Hindi nagtagal mula sa aking paglipat ako ay nag umpisang mag- aral. Dito nagsimula ang lahat ng pang-aapi ng ibang lahi. Mga pagkutya! Mga insulto!
Ang pagka walang awa ng aking mga kauri ay nagdulot ng matinding galit sa akin at nauwi sa paghihiganti. Ako ay napasama sa awayan ng mga gang, at hindi nagtagal, natagpuan ko ang aking sarili na labas pasok sa kulungan ng mahigit sa limang taon. Lahat na ay aking sinubukan nuong mga panahong iyon, para makahanap ng kapayapaan at kasiyahan para sa aking sarili. Ngunit ito ay nagdulot lamang ng kakulangan at kalungkutan sa akin. Ang gawaing masama ay naging parte ng aking buhay. Ang pagnanakaw, pagsalakay, pagplanong pagpatay, pag aari ng baril at iba pang mga armas. Habang pinagsisilbihan ko ang hatol sa kasong planong pagpatay na bumaba sa kasong matinding pagsalakay, natagpuan ko ang aking sarili na walang pag-asa, tinalikuran at nag iisa sa loob ng kulungan. Ang aking mga kaibigan ay naglaho, ang aking pamilya ay sumuko na sa akin. At ngayon ako ay nag-iisa at walang matakbuhan, miserable at wala ng pag-asa!
Isang araw, binisita ako ng aking tiyuhin na pastor sa Amerika habang ako ay nasa loob ng kulungan. Kinuha niya ang isang Gideon Bible mula sa tagapangasiwa ng bilangguan at inalok niya ito sa akin. Sinabi niya sa akin ang tungkol kay Hesus at iniwan ang Gideon Bible para ito ay aking basahin habang nasa loob ng kulungan.
Kinuha ko ang Bibliya mula sa kanya at sa unang pagkakataon sa aking buhay inumpisahan ko itong basahin. Ako ay napunta sa bersikulo na nagsasaad. Sapagkat siya'y tumungo mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario; tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo;upang kalagan yaong nangaitakdang patayin. (Awit 102:19-20).
Ako ay humagulgol. Naisip ko –"Panginoon, naririnig mo pala ako!". Papaano mo ako nalaman? Nagsimula akong magtanong sa aking isipan. Bakit ang Panginoon ay hindi nagpakita sa akin ng mas maaga sa buhay ko? Bakit hindi niya ako tinulungan nuong ako ay inabuso? Bakit hindi siya nagpakita bago ko ginawa ang kalokohan sa sarili ko at sirain ang aking buhay? Kinuha ko ang Bibliya at ibinato ng malakas sa pader. Ako ay napoot sa Panginoon.
Dumating ang pagkakataon na ako ay napalaya sa ilalim ng pagsubok para lamang matagpuan ko ang aking sarili na gulo na naman sa batas. Ako ay tumakas at nagpunta sa aking tiyuhin na pastor. Sa aking pagtigil sa kaniyang tahanan, palagi niya akong kinukwentuhan ng tungkol kay Hesus. Maraming beses niya akong tinanong kung gusto kong tanggapin si Hesukristo bilang aking tagapagligtas. Ang aking sagot ay palaging "HINDI", ako ay isang Muslim. Si Hesus ay isa lamang propeta!
Pagkatapos ng maikling pagbisita sa kanila. Ako ay nagdesisyong bumalik ng Canada sa kadahilanang hindi ko na kayang tanggapin ang uri ng Kristyanong pagmamahal, kapayapaan, at kasiyahan sa loob ng kaniyang pamamahay. Ako ay hinatid ng aking tiyuhin hanggang sakayan pabalik ng Toronto. Bago ako bumaba ng sasakyan, muli niya akong tinanong kung gusto kong tanggapin si Hesukristo bilang aking tagapagligtas. "HINDI" ang aking isinagot. "Ako ay may buhay na kailangang asikasuhin". Sa pagkakataong iyon hindi mahalaga kung gaano ako kawalan ng pag-asa. Ayaw kong gumawa ng anumang bagay na may kaugnayan kay Hesus. Para sa akin siya ay isa lamang propeta. Tinanong ako ng aking tiyuhin kung pwede kaming magdasal bago ako umalis patungo ng Toronto. Pumayag ako, hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at yumukod.
|